"How do I look?" tanong ko sa P.A ko na si Barbie. Nakaharap ako sa malaking salamin sa loob ng kuwarto ko habang suot ang damit na pinasadya kong ipatahi sa isang sikat na designer. Fitted siya na damit na ang haba ay hanggang likod lang ng pwet. Kulay gold ang damit ko na may bids na kulay gold din. Ang harap niya ay pa-ekis. Skin tone na citru ang kalahati sa dibdib na kung titingnan sa malayo ay parang ang nagsisilbing takip ng dibdib ko at ang malapad na strap sa ekis na design. Backless ang likod kaya lantad ang makinis kong likod. Sa suot ko ay makikita ang maumbok kong dibdib at pwet. Kitang-kita rin ang hubog ng katawan ko. "Perfect! Sobrang ganda mo." wika ni Barbie habang pinagmamasdan ako. Kitang-kita sa mga mata niya ang paghanga sa'kin. Ngumiti ako sa kanya. "Thank you,"

