"Daddy! Kiss mo rin si Mommy." wika ni Steven. Hinalikan kasi siya ng Daddy niya pagkatapos nilang maligo dalawa. Mamaya kasi ay babalik na kami ng Pilipinas tapos na ang isang linggo bakasyon namin dito sa Singapore ang sabi ni Mama Freya ang next country na pupuntahan namin ay Florida U.S.A tuwang-tuwa naman si Steven sa sinabi ni Mama Freyah ngunit ang higit na masaya ay si Daren dahil ilang beses niya itong sinabi sa'kin na excited na raw siyang pumunta doon na kasama ako. Tumingin sa'kin si Daren habang nakangiti. "Sabihin mo muna sa Mommy mo kung gusto niya." wika ni Daren. Tumingin sa'kin si Steven. "Mommy?" Ngumiti ako sa kanya at ginulo ko ang buhok niya. "Sino ba ang nagtuturo sa'yo 'yan anak?" "Si Lola Freyah po kapa bagong paligo ako kinikiss niya ako." Natatawa ako sa s

