"Nagkabalikan na talaga silang dalawa. Bagay naman talaga sila kahit sa loveteam." Tinitigan ko ng masama ang isang make up artist na katabi ng make up artist ko. Pinanood nila ang video ni Sheymie na naka-post sa kanyang social media account marami ang natuwa pero siyempre hindi mawawala ang mga nainis at isa ako sa mga taong naiinis sa kanilang pagkakabalikan. "Gaga! Mahiya naman kayo kay Miss Lian." narinig kong sabi ng make up artist ko. "Huwag n'yong pag-uusapan sa harapan ko silang dalawa. Hindi ako natutuwa sa pinagsasabi n'yo." sabay irap ko sa kanila. Leteral kong pinapakita sa kanila ang ugali ko. Kahit naman kasi sabihin nila sa ibang tao hindi naman maniniwala sa kanila ang mga tao baka ma-bash pa sila. Natahimik ang mga ito at hindi na muling nagsalita pa. Nasa harap a

