Nakayakap sa'kin si Steven habang mahimbing na natutulog. Dahil sa pagod niya sa pamamasyal namin sa Universal Studios Singapore. Ang dami kasi naming sinakyan rides at halos mangalay ang paa ko kakalakad dahil sobrang energetic ni Steven. Napuno na rin ang photo gallery ko sa mga picture namin. Masaya at nakakapagod kahit na nga hindi ko nakita ang lahat ng characters sa disneyland dahil iilan lang ang meron sa Universal Studios hindi katulad sa Walt Disneyland sa Orlando Florida United States na kumpleto at sobrang ganda. Gusto kong puntahan 'yon kasama si Steven at Daren. "Sheymie, ako na ang magdadala sa kanya sa kuwarto " wika ni Daren nang huminto ang kotse sa tapat ng hotel na tinutuluyan namin. Tumango ako sa kanya. Kung ako kasi ang magbubuhat kay Steven baka magising pa ito.

