HAWAK namin ang kamay ni Steven habang naglalakad kami papasok ng eroplano. Antok na antok pa siya ngunit napilitan siyang gumising dahil sa family vacation namin. Biglaan vacation ang naganap dahilan para hindi na kami makapunta sa birthday party ni Francie. Dumaan na lang kami sa bahay nila para batiin siya at ibigay ang regalo namin ni Daren. Hindi na kami pumasok sa loob ng malaking bahay nila dahil siguradong hindi kami makakaalis agad kapag pumasok kami. Naroon kasi ang ibang kaibigan namin sa industriya ng showbiz. "Watch your step." sabi ko kay Steven. Hawak na nga namin ang kamay ni Steven ngunit nakapikit pa rin siya habang naglalakad. Huminto kami at pagkatapos yumuko si Daren upang kargahin ang anak namin. "Go back to sleep, my son." wika ni Daren. Tumingin siya sa'kin pagkat

