[JAMES] "Sheymie and I are still married. We try to fix everything for our Son. It's not true that Sheymie and James have a relationship; Lian and I are not lovers. Whatever they say, we don't care as long as Sheymie and I understand each other. " "Bullshit!" Binaril ko ang smart led TV matapos kong panoorin ang interview ni Daren. Nabasag ang telebisyon at tumalsik ang mga bubug nito dahil sa lakas ng talsik ay tumama ang iba sa kamay ko ngunit hindi ko 'yon pinansin kahit na nga tumutulo ang dugo sa mukha ko. Tumayo ako upang humarap sa salamin. "Hindi pwedeng mapunta sa iba si Sheymie. Akin lang siya!" sabay suntok ko sa salamin. Nang binuksan ko ang cabinet nakita ko ang bangkay ng umampon sa'kin. Dalawang linggo na itong patay at nakasilid lang sa plastik. Pinatay ko sila nang ba

