"CUT!" sigaw ng direktor. Inis na lumapit sa'kin ang direktor ng pelikula. Bagama't hindi ako ang bida sa pelikula ay isa naman ako sa mga supporting character sa pelikula. Nakailang-take kami sa scene ko. Kung hindi ko nakakalimutan ang line ko. Wala naman akong emosyon na pinapakita kaya halos nauubos na ang pasensiya sa'kin ng nasa set. "Sheymie, ano bang probelema mo bakit nagkakaganyan ka ngayon? Pang labing isang take na 'yan." Iritang sabi ng direktor namin. "Sorry, Direk. Pwede po ba mag-break muna. Ikakampante ko muna ang sarili ko." tugon ko. Namaywang siya sa harapan ko. "Okay, Thirty minutes break, baka kailangan mo nga sigurong magpahinga. "Stop muna tayo guys!" pag-uulit nito. "Salamat po, direk." Dumiretso ako sa dressing room at humiga ako sa folding chair at sinandal

