Naging maingat ang pagkilos habang dahan-dahan akong bumabangon sa kama. Nakayakap ng mahigpit sa'kin si Daren at pareho kaming walang suot na damit. Nang makabangon ako ay agad akong dumiretso sa banyo upang maligo. Pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin. "Ano bang nangyari sa'yo self? Bakit masyado kang marupok." Ang balak ko sana ay inggitin lang si Lian at pagselosin siya dahil alam ko naman na ako pa rin ang unang papansinin ni Daren. Ngunit nauwi sa pagsisiping ang plano ko. Huwag sana akong mabuntis. Ilang minuto pa akong nanatiling nakatingin sa salamin bago ako naligo. Kalahating oras ang ginugol ko sa paliligo pagkatapos ay lumabas ako ng banyo. Bago ako umalis ay pinuntahan ko ang kuwarto ni Steven. Mahimbing ang tulog niya nang pumunta ako sa silid niya. Dahan-dahan kong hi

