NAKAHIGA ako sa malambot na kama at may nakalagay na pipino sa mga mata ko. Turo sa'kin ito ni Nanay maglagay daw ako ng pipino sa kapag lumalaki na ang eyebag. Ilang araw akong puyat dahil konti lang ang tinutulog ko dahil madalas sa malayong lugar ang shooting namin. "Ate! Ate!" narinig ko tawag sa'kin ni Zeke habang kumakatok siya sa pinto ng silid ko. "Bakit?" tanong ko sa kanya. "Buksan mo ang pinto may sasabihin ako sa'yo." wika nito. Bumuntong-hininga ako. "Hays! Ito talagang si Zeke istorbo sa tulog ko." Inalis ko ang pipino sa mga mata ko at pagkatapos ay bumangon ako. Nakasimangot ako nang buksan ko ang pinto. "Ate." Umarko ang kilay ko nang pagmasdan ko ang itsura ni Zeke. "New hair cut anong meron?" Madalas ko kasing napapansin na nagpapagupit si Zeke or nagpapaayos

