[DAREN] Nilamukos ko ang documento kung saan nakasaad dito ay ang annulment namin ni Sheymie. Hindi ko akalain na seseryosohin talaga ni Sheymie ang pagpa-file ng annulment. Akala ko sa pagkakaroon namin ng madalas na kumunikasyon ay hindi na niya itutuloy. "Daren! Bakit mo nilamukos ang annulment papers?" tanong ni Mommy nang makita niyang nilamukos ko ito pagkatapos ay itinapon sa basurahan. "Hindi ako papayag." nanginginig pa ang panga ko sa galit. "Bakit hindi mo kausapin si Sheymie?" tanong ni Mommy. Bumuga ako ng hangin upang pakawalan ang naipon kong galit. "Hindi ko na maintindihan si Sheymie. Gusto ko na talaga siyang patulan sa mga kalokohan niya." "Bakit hindi mo sabihin ang totoo sa kanya?" Tumingin ako kay Mommy. "Hindi ko muna sasabihin sa kanya ang totoo. Hahayaan

