"Salamat" "Salamat saan Kai?" Tanong ni Reny, ang babaeng naka one night stand ko. Bumangon ako't umupo sa kama. Tinitigan ko ang labas ng kwarto ko. Mula kasi dito kitang kita ang magandang view. "Sa One Night Stand. Makakaalis ka na, may pupuntahan pa ako" Tumayo na ako ng tuluyan at naglakad na papasok ng CR. Binuksan ko ang shower at nagsimula ng maligo .. Gusto ko munang magbago at alisin ang nakasanayan kong pang bababae. Para kay Diara. Para kung sakaling bigyan pa nya ako ng isa pang pagkakataon. Mapapatunayan ko sa kanya na mahal na mahal ko parin talaga sya. Nang matapos na akong maligo, kumain na ako ng almusal at saka lumabas ng unit ko. Uuwi muna ako para magpaalam. Lahat kaming magkakapatid ay nagtatrabaho na. Nakapagtapos lahat ang mga kapatid ko sa tulong ko din syem

