Now Playing: Ikaw Lang by: Nobita - Inayos ni Mama ang necktie ko. At niyakap ako. "I'm so proud of you Kuya!" Bulong nya "Ma, hindi pa." Nakangiti kong sagot Oh, kay gandang pagmasdan Ang iyong mga mata Kumikinang-kinang 'Di ko maintindihan Bumitaw sya sa pagkakayakap sakin at siniko ako. "Bilisan mo na at sunduin mo na sya" sabi nya pa. Sumilip uli ako saglit sa salamin at ngumiti. Dati, tinitingnan ko lang ang sarili ko ng ilang taon na walang pagbabago, pero ngayon sobrang laki na ng pagbabago. Masaya na rin ako, sa tinagal tagal. "Hinding hindi na ako magkakamali" Naglakad na ako pababa ng hagdan at tumungo sa sasakyan ko. Huminga muna ako ng malalim bago sinimulan ang pag dadrive. Hindi na naman ako mapakali. Nang makarating na ako kina Diara, mas lalong nag wala ang

