IT’S BEEN twenty-four hours since the hostage taking happened. Naikulong na ang dating senador at ang mga rebeldeng grupo na kinabibilangan ni Harris. Nagulat pa siya nang mabalitaan na si Rachel mismo ang nagbigay ng mga ebidensya sa mga pulis laban sa sarili nitong ama. Hindi na rin ito nagpakita. Sa halip ay isang text message lang ito nagpaalam. “Hey, it’s me, Rachel. Sorry for what happened, it’s true that I set you up with Harris, that’s only because my Dad heard me talking to you over the phone. Binantaan niya ako na papatayin si Jay kapag hindi ako nakipagtulungan sa kanila ni Harris. I’m so sorry. I’m sorry if I will not testify against my Dad. I already handed over all the evidence that I got from my Dad’s belongings, hanggang doon lang ang kaya kong gawin.

