JAVIER changed his clothes from formal to casual. Kailangan niyang magsuot ng maluwag na t-shirt para hindi mahalata ang bulletproof vest na suot niya sa loob, pagkatapos ay saka siya nagsuot ng hoodie. Eksaktong limang minuto bago ang tinakdang oras ng mga hostage taker ay dumating siya sa Hotel Santillan. Nakapaligid sa harap ng hotel ang maraming police mobile cars, pati ang mga truck ng sundalo, may mga nakaantabay na rin mga ambulansya kung sakaling may masaktan. Bukod sa mga opisyal ay walang pinayagan kahit na sinong civilian ang makalapit sa venue. “We’ve been getting inside reports from the hotel guests. May iba sa mga hostage taker ang pinupwersang buksan ang mga pinto ng hotel room at ninanakaw ang mga personal na gamit ng mga guests. Some of the wo

