KABADONG lumingon si Regina kay Javier. Kagabi lang sila bumalik mula sa Cagayan at kinabukasan ay may schedule agad silang mag-asawa na private dinner kasama ang buong gabinete ni Javier. Sabi ng asawa ay gusto daw siyang ipakilala sa mga taong madalas na nakakasama nito sa trabaho. Naroon na sila sa isa sa silid sa loob ng Malacañang at naghihintay na lang ng eksaktong oras ng pagsisimula ng dinner. That was her first formal dinner in her whole life. Kung paano umakto sa mga ganoon okasyon ay wala siyang ideya. She’s just wearing a blue formal dress and Javier is wearing a black set of suits, his long sleeves shirt inside is also blue to match her dress. “Relax, you’ll be fine,” natatawang sabi ni Javier. “How can I? Paano kung magtanong sila ta

