THINGS are never been the same for Regina after the news about her marriage with Javier came out. Maraming nagbago sa buhay niya, maging doon sa private residence ng asawa. Ngayon, siya na ang nagma-manage ng lahat doon, kabilang na ang finances. Binigyan siya ng asawa ng credit cards and atm cards. Sinabihan siya ni Javier na siya na ang bahalang mag-desisyon doon sa bahay. Wala naman nagbago sa pakikitungo sa kanya nila Manang Rosy, Donna at Che. Gusto nga siyang tawagin na Ma’am ng mga ito pero mariin siyang tumanggi. Isa pang naging malaking pagbabago sa kanya ay kilala na siya ng maraming tao. Sa tuwing lumalabas siya ay halos lahat ng taong nakakasalubong sa kanya ay nililingon siya. Ang iba ay bumabati, may mga pagkakataon na may gustong magpapicture sa kanya.

