KASALUKUYAN hinahanda ni Regina ang isusuot ni Javier, nang mga sandaling iyon ay naliligo pa ito, nang tumunog ang message alert tone ng phone niya. Agad kumunot ang noo niya nang makita ang pangalan ni Rachel. Doon lang naalala ni Regina ang tungkol sa sinabi nito. Sasagutin na sana niya ang text message nito nang biglang mag-ring ang phone niya. “Hello?” “Nasabi mo na ba?” Bumuntong-hininga siya. “Rachel, ano na naman ba ito? Ginagawa mo ba ito para mapansin ka ni Javier?” Ito naman ang bumuntong-hininga sa kabilang linya. “Look Regina, buhay na ng ibang tao ang nakasalalay dito! Hindi ako ganoon kasama para lang gamitin iyon mapansin lang ni Javier lalo na at ang Daddy ko ang pinag-uusapan natin dito. And

