ALA-UNA na ng madaling araw pero gising pa rin si Regina. Hindi siya dalawin ng antok o mas tamang sabihin na hindi siya mapalagay, simula ng umalis si Javier ay hindi man lang ito tumawag kahit isang beses o nagpadala ng text message man lang, kabaliktaran sa unang sinabi nito noong araw na umalis ito. Kaya minabuti na lang niyang bumangon at bumaba para uminom ng gatas. Baka sakaling tablan siya ng antok. Matapos magsalin sa baso. Hindi agad niya iyon ininom. Bagkus ay tinitigan lang iyon ni Regina. Magkasama silang dalawa ni Javier dapat ng mga ganitong oras at masayang nagku-kwentuhan habang kumakain. Muli niyang sinulyapan ang cellphone at muling nag-send ng message sa lalaki. “I miss you,” sabi niya sa mensahe. Napalingon si Regina nang

