KUNOT-NOO at nagtatakang sinundan ng tingin ni Regina si Donna at Che na pinaiikutan siya habang halos hindi kumukurap na nakatitig sa kanya. Nahinto tuloy siya sa pag-aayos ng mesa. “Bakit ba kayo ganyan tumingin?” natatawang tanong niya sa dalawa. Humalukipkip si Che at humawak naman sa baba niya si Donna pagkatapos ay marahan pinaling sa magkabila ang kanyang mukha. “Wala naman, nagtataka lang kami. Iba kasi ang aura mo ngayon eh.” “Ano ba ‘yang pinagsasabi ninyo?” natatawa pa rin na sagot niya. “Oo nga girl, iba talaga eh! Blooming na blooming ka. Teka nga… may jowa ka na ba?” tanong ni Che. Hindi niya nasagot iyon dahil dumating na ang mag-ama. Agad nagtama ang mga mata nilang dalawa ni Javier. They casua

