Mabilis na lumipas ang buwan. Nasa pitong buwan na ako ngayon ng pagbubuntis ko. Marami na akong nararanasang kakaiba sa katawan ko. Nandiyan na iyong mabilis mangalay ang binti ko o hindi kaya ay mamanhid. Lumalakas na rin akong kumain. Mas inaantok ako sa umaga kaysa sa gabi. Sa buwan na lumipas ay hindi na masyadong nagparamdam si Xyraulo simula nang magkasakitan kami. Pero syempre hindi pa rin ako kampante. Alam ko 'yang mga pakulo ng mga kontrabida. Napanuod ko na 'yan. Kunwari lang sila na wala ng gagawin pero ang totoo ay nagpaplano talaga sila para makaganti. At sa tingin ko may pinaplano nang maigi ang babaeng 'yon. Pero kahit ano pa man 'yon ay wala akong pakialam. Handang-handa ako sa gagawin niya sa akin. Hindi ko talaga siya aatrasan. "Halika na, Love." Inalayan ako ni Val pa

