Masakit ang pagkakabagsak ng balakang ko at bigla akong nakaramdam ng sobrang kaba. Humigpit ang hawak ko sa tiyan ko at saka matalim na tinitigan si Xyra. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Sigurado ako na ito ang plano niya. Ang malaglag ang anak namin ni Val para siya na ang magwagi! "Put*ng ina mong Xyraulo ka!" Sumugod ako sa kaniya at saka in-upper cut ko siya. Pagkatapos ay buong puwersa kong sinampal ang pagmumukha niya. Bumakat ang kamay ko sa mukha niya at pulang-pula ito. Halos mapaiyak na siya sa sakit. Akmang sisipain niya pa ang tiyan ko nang mauna na akong tapakan ang binti niya. "F*ck!" daing niya nang ubod ng lakas kong diniin pa ang pagkakatapak ko sa binti niya. "Put*ng ina mo kang siraulo ka! Gusto mo pang mamatay ang anak namin! Napakasama ng ugali

