"Hoy ano bang nangyayari sa iyo Adora? Ayos ka lang ba?" Napatingin ako kay Rhian. Bakas sa boses niya ang pag-aalala sa akin. Hinaplos-haplos niya ako sa likuran. "Hoy sumagot ka kaya! Para akong tanga rito na nagsasalita. Ano bang nakain mo? Bakit ka ba nagsusuka?" Muli kong isinubsob ang mukha ko sa inidoro. Parang binaligtad ang sikmura ko. Halos lahat yata ng kinain ko ay naisuka ko na. Nang pakiramdam ko ay wala na akong maisusuka ay napasandal ako kay Rhian. Hinang-hina ako. Nagkalat din ang luha ko sa pisngi. "Ano bang nangyayari sa iyo, Adora. Ang haggard mo na." Pinunsan niya ang pawis at luha na nagkalat sa aking mukha gamit ang dala niyang panyo. Pagkatapos ay inayos niya ang buhok ko. Inabot niya sa akin ang bottled water na kaagad kong nilagok. Dahan-dahan akong tumay

