26: Cry

1128 Words

"Sa tingin mo anak, anong kasarian ng magiging apo ko? Babae kaya o lalaki?" tanong sa akin ni Mr. Albert. Kasalukuyan kaming naglalakad dito sa loob ng department store. Namimili kami ng mga damit ni baby ko. Kagagaling lang namin sa supermarket. Namili kami ng mga kakailanganin niya. "Hindi ko po alam pero sana babae. Gusto ko po kasi na babae ang magiging anak ko." Ngumiti siya. "Kahit ako iyon din ang gusto ko. Babae. Dati kasi noong buhay pa ang asawa ko ay nagplano kami na dalawa ang magiging anak namin. Lalaki at babae. Pero wala eh. Hindi na kami nakabuo pa. Hirap na hirap kaming makabuo hanggang sa hindi inaasahan ay nawala na siya." Habang sinasabi niya iyon ay malungkot ang kaniyang mga mata. Mapait siyang napangiti. Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin ko ang cute na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD