Hindi ako makapag-focus sa binabasa kong business proposal. Bigla kong naisip ang mukha ni Adora nang lumabas siya sa opisina ko kagabi. Ang lungkot ng mga mata niya. May alam na ba siya? Alam na niya ba na nagbalik na si Xyra? Sana ay hindi pa. Si Xyra ang matagal kong naging kasintahan. Napamahal ako sa kaniya dahil halos nasa kaniya na lahat ang hinahanap ko sa isang babae. Matalino, maganda, sexy, may class at higit sa lahat may pangarap. Kaya nga lang, sa sobrang taas ng pangarap niya ay nagawa niya akong ipagpalit. Pumayag na nga akong magpunta siya sa Korea para sa pangarap niyang maging isang model pero ang koryanong kasama niya pala na sinasabi niyang bodyguard niya lang ang ipagpapalit niya sa akin. Hindi niya ito tunay na bodyguard dahil mayaman ang koryanong ito. Marami siyan

