15: Dead

1344 Words
"Ngayon ka lang na-late ng pasok, Adora. Mukhang nag-enjoy ka sa party na pinuntahan mo," sabi sa akin ni Mr. Albert sabay ngiti. Alanganin akong ngumiti sabay kamot sa ulo. "Oo nga po. Nag-enjoy talaga ako ng bongga kagabi. May kainan kasing naganap." Kumunot ang noo niya. "Kainang naganap?" Tumango ako. "Opo Sir." Mahina siyang natawa. "Of course Adora! May kainan talagang magaganap doon dahil birthday party iyon. Mukhang marami ka yatang nakain dahil masaya ka. Nakikita ko sa iyong mukha ang saya mo." Ngumisi ako sabay tawa ng mahina. Malamang masaya talaga ako dahil kagabi lang ulit nadiligan ang katawang lupa ko. "Syempre Sir ako iyong kinain," mahinang sabi ko habang nag-aasikaso ng kakainin niya. "Ha? Anong sinabi mo?" "Naku Sir wala po. Ang sabi ko talagang masaya ako kasi maraming pagkain doon. Talagang lumamon ako ng bongga kasi ang sarap ng mga pagkain. Akala ko nga matatae na naman ako. Mabuti na lang talaga hindi." Mahina siyang natawa. "Pasaway ka talaga. Mabuti naman hindi ka natae. Nasaan nga pala ang anak kong si Val? Nandoon pa rin ba nag-iinom?" "Opo nandoon pa. Hindi ko lang alam kung nag-iinom pa kasi tulog siya nang umalis ako." Panigurado tulog pa talaga ang Vulvolin na iyon dahil masyado siyang nag-enjoy kagabi at isa pa, marami rin siyang alak na nainom. "Tulog pa? Saan siya natulog? Magkatabi ba kayong natulog?" Mabilis akong umiling. Nag-init ang mukha ko. Pakiramdam ko namumula na ako. Kumamot ako sa aking ulo sabay ngisi. "Naku Sir ano ba 'yang pinagsasabi mo? Hindi kami nagtabi no'n! At saka panigurado wala siyang balak na tabihan ko dahil hindi naman ako ang babaeng tipo niya." Tumango-tango siya. Nagsimula na siyang kainin ang pagkaing inihanda ko sa kaniya. Pinagmasdan ko siya. Kahit papaano ay nakikita ko na may pagbabago sa kaniyang pagkain. Magana na siyang kumain at medyo marami-rami na rin ang pagkaing kinakain niya. Nakaraan kasi ay napakakaunti niyang kumain na tipong daig pa ng bata ang pagkain niya. "Sayang naman kung ganoon. Akala ko nagtabi kayo ng anak ko. Gusto ko kasing ikaw ang mapangasawa niya. Sa iyo ko nakikita ang babaeng nararapat sa anak ko. Ayoko sa mga babaeng paganda lang ang alam at kaartehan. Iyong hindi marunong sa gawaing bahay at pera lang ng magulang ang inaasahan. Winawaldas ng basta-basta ang perang pinaghirapan ng magulang. Gusto ko iyong katulad mo na may pagpapahalaga sa maliit na bagay at marunong kumilos sa sariling paa. Madiskarte sa buhay at talagang pinaghihirapan ang bawat salaping nakukuha." "Alam mo ba na iyong asawa ko ay katulad mo? Parehas na parehas kayong dalawa. Laki sa hirap siya pero napakadiskarte at masipag. Nahulog kaagad ang loob ko sa kaniya nang mamasukan siya sa pamilya namin bilang kasambahay. Kaya gusto ko na isang kagaya rin ng asawa ko ang maging asawa ng anak kong si Val dahil alam kong tunay ang pagmamahal niyo at maasikaso pa kayo." May kung anong hatid na saya mula sa aking puso dahil sa mga sinabi ni Mr. Albert. Natutuwa lang ako kasi mabait siya sa katulad naming mahihirap at hindi ko akalain na ang yumao niya pa lang asawa ay laki sa hirap kung kaya pala mabait siya sa kaniyang mga kasambahay at mga trabahador. "Mabuti Sir hindi kayo katulad ng iba na matapobre. 'Yong iba kasi mababa ang tingin sa kagaya naming mahihirap." "Naku! Hindi ako ganoon dahil kung wala kayo, wala rin kami. Kayo ang nagsisilbi sa amin kaya nararapat lang na maging mabuti kami sa inyo." Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Napangiti na lang din ako. Kinuha ko na ang kaniyang pinagkainan at saka nagligpit na. Pagkababa ko ay nakita ko si Val na kumakain sa kusina. Nagtama ang paningin naming dalawa. Pakiramdam ko namumula ang pisngi ko dahil naalala ko ang nangyari sa amin. Naalala ko bigla ang pagkain niya sa mani ko. "Kumusta ka, Adora?" Napatigil ako sa paghuhugas ng plato dahil sa kaniyang sinabi. Ilang beses akong napalunok ng laway. "A-ayos lang, bakit?" sagot ko at saka pinagpatuloy na ang paghuhugas. Hindi ko siya nililingon. "Nothing. About what happened last night, I know na parehas tayong may gusto noon so I bet na hindi ka galit sa akin. Ginusto mo rin iyon." Mariin akong napapikit sabay kagat-labi. Humigpit ang hawak ko sa sponge. "Syempre naman, sarap kaya," mahinang sambit ko. "What? What did you say?" Napalingon sa kaniya sabay tawa ng peke. Nakakunot ang noo niya. "Ha? Hatdog! Wala akong sinasabi." "Really? Pero parang narinig ko na may sinabi ka but I can't understand. Huwag ka kasing bulong nang bulong dahil hindi ko marinig." Tinaasan ko siya ng kilay. "Whatever. May kasalanan ka pa sa akin." Naningkit ang mata niya. "Ano iyon?" Huminga ako nang malalim bago nagsalita sabay irap. "Bakit mo sinira ang panty ko? Wala na nga akong panty na maayos dahil butas na lahat tapos sinira mo pa?" Bigla siyang tumawa. "What the heck?! Are you serious?" "Yes!" taas-noo kong sagot. "Bigla ko tuloy naalala iyong panty mong kulay pink. Butas din iyon alam ko dahil muntik ko nang makita ang iyong, you know." Naningkit ang mata ko. Punyeta hindi ko alam na nakita na pala niya ang petchay ko! Malaki kasi ang naging butas ng panty kong iyon. "Bakit mo tinitingnan?" "Hindi ko tinitingnan. Napatingin lang ako. Huwag ka ng magalit. Ibibili kita ng maraming panty, okay?" Namilog ang mata ko. "Talaga?" "Oo. Basta't wala kang pagsasabihan tungkol sa nangyari sa atin. Isipin mo na lang na binigyan kita ng pagkakataon na matikman ako." Inirapan ko siya. Ang kapal talaga ng pagmumukha ng lalaking ito. Parang sinasabi niya ba na gusto ko siyang matikman? "Wow ha. Ang kapal mo naman. Ikaw ang tumikim sa akin. Ako ang nagbigay ng pagkakataong matikman ako. Sarap na sarap ka nga sa mani ko eh. Kinain mo nga ng bonggang-bongga." "What?" Nakita ko ang pamumula ng kaniyang mukha. Inirapan ko na lang siya at saka nagtungo na sa kuwarto ni Mr. Albert. Aayusin ko na kasi ang higaan niya dahil kailangan na niyang matulog. Pagkapasok ko naabutin ko siyang sumusuntok-suntok sa hangin. Tumingin siya sa akin nang mapansing nandito na ako sa kaniyang kuwarto. "Nandiyan na ba si Val?" Tumango ako. "Opo Sir. Kumakain sa kusina." "Ganoon ba. Nakainom pa ba? Lasing ba?" Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko po alam pero namumula ang mukha niya nang makita ko siya." Tumango-tango siya. "Siguro nakainom pa nga. Malakas kasi iyang uminom ng alak. May hang over pa siguro." "Siguro nga po." Bumuntong-hininga siya at saka muling sumuntok-suntok sa hangin. Pinagpagan ko ang kaniyang higaan. Inayos ko ang kaniyang kama. "Sa tingin ko hindi na talaga ako magtatagal. Pakiramdam ko mamamatay na ako," biglang sabi niya na ikinalingon ko. "Po? Bakit niyo naman sinasabi iyan, Sir? Huwag po kayong mag-isip ng ganiyan. Hindi maganda iyan. Walang mabuting maidudulot iyan sa inyo." Pinagpatuloy ko pa rin ang pag-ayos ng kaniyang higaan. Pinalitan ko ang bed sheets at punda. Kumuha rin ako ng walis para walisan ang mga kalat niya sa sahig. "Totoo naman kasi, Adora. Ramdam na ramdam ko na talaga. Tanggap ko na rin naman na malapit na akong mamatay. Mabuti na rin para makasama ko na ang asawa ko." "Tumigil nga kayo Sir. Hindi pa kayo mamamatay." Mahina siyang natawa. "Tanggap ko na nga, Adora. Ayos lang sa akin. Nakalulungkot lang dahil mamamatay ako nang hindi ko man lang makikita ang magiging apo ko." Tumigil ako sa aking ginagawa. Sa inis ko sa kaniya ay matalim ko siyang tinitigan. Tila nagulat siya dahil sa pagtitig ko sa kaniya. "Bakit po lagi niyong sinasabing mamamatay na kayo? Kaya nga po ako nandito Sir para alagaan kayo. Para gumaling kayo at huwag lumalala ang sakit niyo pero puro kayo sabing mamamatay na kayo," inis na sabi ko sa kaniya. Kumamot siya ng kaniyang ulo. "Totoo naman kasi Adora. Ramdam ko na kasi." Humalukipkip ako. "Naku Sir! Kung puro kayo ganiyan, bakit pa kayo nagpapaalaga sa akin? Parang ayaw niyo na yata mabuhay Sir eh. Patayin ko na lang kaya kayo?" Biglang namilog ang kaniyang mata sabay atras palayo sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD