"Bakit naman ganoon ang sinabi mo kay Mr. Albert? Kaloka ka talagang bruha ka! Baka mamaya maisipan ka pa no'n na mamamatay tao? Kahit kailan talaga walang preno ang bunganga mong babae ka." Inirapan ako ni Rhian. Namasyal kami ngayong dalawa. Kasalukuyan kaming nasa mall ngayon dahil niyaya ko siyang gumala. Ililibre ko siya dahil sumahod na ako at day off ko ngayong araw. Isang buwan ko na rin kasi bilang tagapangalaga ni Mr. Albert. "Kasi naman si Mr. Albert parang may toyo. Ewan ko ba doon kung bakit ganoon ang sinasabi. Parang gusto na kasi niyang mamatay. Puro siya, malapit na raw, tanggap na raw niya ganoon. Nainis lang ako syempre kaya ko nasabi iyon. Paano ba naman kasi, nagpapaalaga siya sa akin pero gusto naman pala niyang mamatay. Parang tanga lang." Huminto siya sa aking ha

