11: Bird

1259 Words
"Kumusta si Dad?" tanong sa akin ni Val na kararating lang mula sa kaniyang trabaho. Isang linggo na ang nakalilipas simula nang maging nurse kunwari ako ni Mr. Albert. Oo nurse niya ako pero kunwari lang kasi hindi naman talaga ako nurse sadyang inaalagaan ko lang siya. Ako ang nagpapainom ng kaniyang gamot. May sakit pala siya sa puso. May maliit na butas ang kaniyang puso kaya sumasakit ang kaniyang dibdib. Dahil sa lungkot na kaniyang nadarama mula sa pangungulila sa kaniyang asawa ay mas lalong naninikip ang kaniyang dibdib. "Ayon medyo ayos naman siya. Pinapasaya ko na lang kasi sabi ng doctor niya 'yong lungkot na nararamdaman niya ang isa sa nagpapalala ng sakit niya. Naaawa nga ako sa Dad mo. Nakita ko siya isang beses umiiyak habang hawak 'yong larawan ng Mama mo." Bumuntong-hininga siya sabay pisil ng kaniyang sintido. Just take care of him, Adora. You will tell me everything about him. Don't worry, I will double what he gives to you, just make sure he is doing well. And thank you for the effort in making him happy. I really appreciate that." Napaawang ang aking bibig kasabay nang dahan-dahan kong pagngiti. Nakatutuwa naman dahil nakikita ko ang sinseridad niya sa kaniyang mga sinabi. Kahit papaano marunong pala siyang maka-appreciate. Tatalikod na sana siya nang muli niya akong harapan sabay titig sa akin. "By the way, I want you to know na hangga't maaari iwasan mo na ang pagiging tanga mo, okay? Remember, you will take care a sick old man. Be careful as always and don't be so careless. Perhaps instead of getting better he would get even sicker." Nawala bigla ang ngiti ko sa labi. Tinalikuran na niya ako at saka pumasok na sa kaniyang kuwarto. Bigla akong nanggil kaya napairap na lang ako. Kahit kailan talaga ang bunganga ng lalaking 'yan! Napakasakit magsalita! Akala mo siya perpekto hindi naman! "You bullsh*t so pakening! Don't say English to me because no understand me!" malakas na sigaw ko mula sa pinto ng kaniyang silid. Nagulat ako nang bigla niyang buksan ang pinto ng kaniyang kuwarto. Nakangisi siyang nakatingin sa akin. "What? Why you look me that eyes? I'm gonna tusok your ugly eyes because I'm super angry to you like my nose is going to apoy!" Mahina siyang tumawa. "Wow. Baka ang mata mo ang pangit. At saka hindi ba sinabi ko sa iyo huwag ka nang maging trying hard sa pagsasalita ng English language? Nakaiiritang pakinggan kasi mali-mali naman. At ano bang pakialam ko kung hindi ka makaintindi masyado ng English? Kasalanan ko ba 'yon? Kasalanan ko ba kung tanga ka?" Pakiramdam ko umiinit na ang tainga ko sa inis. Napakayabang talaga ng Vulvol na ito! Ang kapal ng pagmumukha. Pakiramdam ko ang baba nang tingin niya sa katulad ko. Patawa-tawa lang ako pero masakit para sa akin ang masabihang tanga. Hindi ko naman ginustong maging tanga. "Ang yabang mo sobra, ano? Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo. Oo aminado naman ako na hindi ako ganoon kagaling magsalita ng banyaga kasi hindi naman ako nakapag-aral ng maayos. Hindi ako nakapagtapos kagaya mo dahil mahirap lang ako. Pasensiya ka na, ah? Kung nakasasalamuha mo ang mahirap na kagaya ko. Pero dapat maging thankful kayong mayayaman sa aming mahihirap. Kasi kung wala kami, walang magsisilbi sa inyo. Wala kayong magiging alila. At isa pa, hindi ko naman ginusto na maging tanga ako. Sino ba gustong maging tanga?" Kaagad ko na siyang tinalikuran dahil pakiramdam ko babagsak na ang luha ko. Mabilis ang ginawa kong pagbaba ng hagdan at saka nagtungo sa kanilang hardin. Tumulo na ang luha ko sa aking pisngi na kanina ko pa pinipigilan. Marahas ko itong pinunasan. "Punyeta kang Val Vulvol ka! Ang sama ng ugali mo! Mamaga sana iyang pututoy mo! Sarap mong sapakin sa pagmumukha. Napakayabang mo." Huminga ako nang malalim at saka tumingala. Ilang minuto rin akong nakatulala bago ko naisipang bumalik sa kuwarto ni Mr. Albert. "Kumusta ang pakiramdam niyo Sir? Nagugutom na po ba kayo?" Naabutan ko siyang nakayakap sa picture frame ng kaniyang yumaong asawa. Malungkot ang mga mata niyang tumingin sa akin. "Ayos naman ang pakiramdam ko. Salamat sa iyo dahil magaling kang mag-alaga. Ang pag-aalaga mo ay para bang Tatay mo ako. Salamat." Napangiti na lang ako sa kaniyang sinabi. Ramdam ko ang sinseridad sa kaniyang sinabi. "Bakit po? Hindi po ba kayo inaalagaan ni Val?" Marahan siyang umiling. "Hindi. Ayaw niya akong alagaan at masyado siyang abala sa kompanya. Ang ginagawa niya lang ay naghahanap siya ng magaling na mag-alaga sa akin. At ikaw ang pinakamagaling na nahanap niya." Napakamot ako ng ulo sabay tawa. "Hindi ako sigurado. Kung may doktor Kwak-kwak, ako naman si Nurse Kwak-kwak." "Basta natutuwa ako sa pag-aalaga mo sa akin. Sana talaga ikaw ang makatuluyan ng anak kong si Val. Magiging masuwerte siya sa iyo." "What? Anong masuwerte? Baka malasin pa ako. Puro kapalpakan ang ginagawa ng babaeng 'yan. Masipag nga, palpak naman." Mariin akong napapikit sabay lingon kay Val. Matalim ko siyang tinitigan. Nakatapis ng tuwalya lamang siya. Mukhang katatapos lang maligo. Anong eksena niya? Bakit hindi siya nagbihis man lang bago pumunta rito? Inaakit niya ba ako? Puwes hindi ako naaakit sa kaniya! Wala akong pakialam kung marami siyang pandesal. Masarap mang hawakan iyon pero wala akong pakialam. "Ang dami mong sinasabi. Akala mo kung sino kang perpekto mukha ka namang unggoy!" "Val anak, huwag ka namang ganiyan kay Adora. Alam mo bang sa lahat ng nag-alaga sa akin, sa kaniya ko lang naramdaman na inaalagaan niya talaga ako. Na talagang may pakialam siya sa akin. Hindi lang sa sumasahod siya, pakiramdam ko may anak akong nag-aalaga sa akin." Napatingin sa akin si Val sabay kamot sa ulo. "Whatever. Here's your medicine. Three times a day 'yan. Sa dugo mo 'yan." Inilapag niya sa mesa ang dala niyang gamot. Matalim pa rin akong nakatitig sa kaniya. Kumunot ang noo niya. "Bakit? Anong problema mo? Parang papatayin mo na ako sa titig mo." Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya. Ewan ko ba, nanggigigil ako ng sobra sa kaniya. Nakaiinis kasi ang pinagsasabi niya sa akin. Nakakababa ng pagkatao. Mahina siyang natawa. "Ano? Bakit ka nakatitig?" Pinanlakihan niya ako ng mata. Humawak siya sa kaniyang bibig. "Okay alam ko na 'yang ginagawa mo. Kunwari ka lang na nakatitig sa akin ng masama para matingnan mo nang matagal ang guwapo kong mukha, tama ba ako? Tama ako. Huwag ka nang magkaila." Napatayo ako sa aking kinauupuan sabay lapit sa kaniya. Kinuha ko ang unan na sa kama ni Mr. Albert sabay hampas sa pagmumukha niya. "Punyeta ka! Anong guwapo? Saan banda? Nakakabuwisit talaga 'yang ugali mo. Napakayabang mo!" Sa inis ko ay nasuntok ko siya sa braso. Napangiwi siya sa sakit. Humihingal-hingal akong nakipagtitigan sa kaniya. Nilingon ko si Mr. Albert na nakatingin lang sa amin na tila ba wala siyang pakialam kung magsabong na kaming dalawa. "Wow! Malakas ka pa lang sumuntok? I like that. Huwag kang mag-alala dahil hindi kita papatulan. Ayokong patulan ang kagaya mo dahil baka mamaya maging tanga pa ako." Akma na sana siyang lalabas pinto nang iharang ko ang paa ko para mapatid siya. Sumubsob ang mukha niya sa sahig. Galit siyang bumangon. "What the f*ck is your problem woman?! Bakit mo ako pinatid? Papansin ka talaga sa akin? Gusto mo talagang pansinin kita?" Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi dahil nakatitig ako sa alaga niyang tulog. Parang ibon ito na nakalagay sa pugad na itim. Natanggal ang tapis niyang tuwalya kaya nakalitaw ang kaniyang munting ibon. Hayop na 'yan ma-Vulvol nga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD