Katatapos ko lang pakainin si Mr. Albert. Matapos nitong kumain ay nakaramdam ito ng antok kaya naman pinatulog ko muna siya bago lumabas ng kaniyang kuwarto. Naisipan kong pumunta sa terrace ng kanilang bahay para makapag-relax kahit papaano.
"Val?" bulong ko nang makita ko siya na may hawak na gitara.
Hindi gaanon kataas ang kaniyang boses ngunit masarap ito sa tainga pakinggan. Lalaking-lalaki na kung isa kang maharot na babae ay talaga namang kikiligin ang iyong munting mani.
Tahimik ko siyang pinagmamasdan. Napakaguwapo talaga ng lalaking ito ngunit masama nga lang ang ugali. Hindi naman sobrang sama, sadyang matalas lang kung magsalita. Ang sakit sa heart akala mo hindi ako tao kung makapagsalita siya ng masakit.
"May talent naman pala itong unggoy na ito. Infairness, ang guwapo niya lalo sa pagkantang ginawa niya," bulong ko sabay lapit pa ng kaunti.
"Stop staring. Baka matunaw ako sa titig mong nakatatakot."
Nanlaki ang mata ko bigla. "Dami mong alam. Malamang mapapatingin talaga ako sa iyo dahil may mata ako. At saka bakit mo ba ako pinagbabawalang tingnan ka? Inuutusan mo ba ako? Mata ko ito, okay?"
Ngumisi lang siya. Itinabi niya sa kaniyang gilid ang hawak niyang gitara. Pagkatapos ay bumaling siya sa akin.
"What can you say?"
"Say what?"
"Sa pagkanta ko? Maganda ba? Or ayos lang?"
Ngumuso ako. Sasabihin ko bang maganda ang boses niya o hindi? Baka kasi kapag sinabi kong maganda ang boses niya, magyabang na naman siya. Pero kapag hindi ko naman sinabi na maganda ang boses niya, sinungaling naman ako.
"Medyo."
Umarko ang kilay niya. "Medyo? Wow! Big word! So hindi ka nagandahan sa boses? You're not satisfied?"
Sinamaan ko siya nang tingin. "Punyeta ka! Tatanong-tanong ka sa akin tapos ganiyan sasabihin mo? Nagtanong ka pa? Eh sa iyon lang para sa akin kaya wala kang magagawa. Maiwan na nga kita."
Tatalikod na sana ako nang tawagin niya ako kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Wait! I'm sorry, okay? Ito naman masyadong mainit ang ulo. May mens ka ba?"
Inirapan ko siya. "Wala. Sadyang nabubuwisit lang ako sa pagmumukha mo."
Mahina siyang natawa sabay halukipkip. Tinaasan ko siya ng kilay. "Wow? Sa akin ka pa nabuwisit? Sa guwapo kong pagmumukha. Ikaw lang ang nagsabi sa akin niyan."
Napailing na lang ako. Grabe. Saksakan ng yabang. Oo guwapo na talaga siya pero dapat hindi niya pinanlalandakan. Ang yabang talaga ng Vulvolin na ito!
"Hindi ka ba nahihiya sa mga pinagsasabi mo? Napakayabang mo! Masyado kang proud sa sarili mo. Puwedeng bawasan mo naman?" iritableng sabi ko sa kaniya sabay irap.
"Ha? But why kung totoo naman? Mabuti sana kung nagsisinungaling ako, 'di ba?"
Mapang-asar siyang ngumisi.
Mariin na lang akong napapikit at napagpasiyang lumabas na lang at doon magpahangin. Hindi pa ako nakababa ng hagdan nang hawakan niya ako sa braso. Pakiramdam ko libo-libong kuryente ang bumalot sa aking katawan dahil sa ginawa niyang paghawak sa aking braso.
Ito ba 'yong tinatawag na spark? Grabe pala talaga!
"B-bakit?"
"Saan ka pupunta? Puwede bang mag-usap muna tayo? Seryoso na ako."
Marahan na lang akong napatango sabay sunod sa kaniya. Umupo sa kaniyang harapan.
"Gusto ko lang tanungin kung kumuata si Dad? Maayos naman ba siya? I mean, nagiging maayos naman ang kalagayan niya?"
"Oo. Kahit papaano ay maayos na siya. Humahalakhak na nga. Kaya dapat mahalin mo ang Dad mo. Matanda na siya Val. Hindi sa gusto ko siyang mamatay pero ilang taon na lang ang pananatili niya sa mundong ito kaya mahalin mo sana ang Dad mo. Masuwerte ka pa nga dahil may magulang ka pa. Iyong iba wala na."
Bumuntong-hininga siya sabay iwas nang tingin sa akin. Ilang segundo ko siyang pinagmasdan. Tila malalim ang kaniyang iniisip habang nakatingin sa kawalan.
"I love my Dad. Hindi nga lang ako showy. Kung mapapansin mo parang wala lang sa akin si Dad pero mahal na mahal ko siya. Sadyang hindi ko lang maipakita sa kaniya dahil nababaduyan ako at parang nakahihiya kasi. Para sa akin lang ito. But honestly, I love him so much that's why I'm asking you kung okay naman ba siya."
"Oo maayos ang Dad mo. Malakas siya kaya magkakasama pa kayong dalawa ng matagal."
Sumilay ang ngiti sa kaniyang manipis na labi. Lalo siyang guwapo dahil sa ngiti niyang iyon.
"Thank you. May pakinabang ka pala talaga kahit na minsan tanga ka. Magaling kang mag-alaga."
Matalim ko siyang tinitigan. Ayan na naman siya sa pagtawag ng tanga sa akin. Akala ko pa naman ayos na kami.
"Sorry. Anyway, may birthday party ang kaibigan ko. Gusto ko sanang isama ka tutal malakas kang kumain, maraming masasarap na pagkain doon."
Namilog ang mata ko. "Talaga?"
"Oo. Isama mo na rin iyong kaibigan mong bakla para may kasama ka. Magkita na lang tayo sa tapat ng bahay ninyo. Susundin ko kayong dalawa kaya dapat naka-ready na kayo pagkarating ko. Okay?"
"Okay!" sagot ko sabay ngisi.
Pagkauwi ko sa bahay, naghanap ako ng maisusuot kong maganda-ganda. Syempre nakahihiya naman kung dugyot ang susuotin ko lalo pa't mayayaman ang kaibigan ng Vulvol na iyon. Baka mamaya ikahiya niya pa ako.
Pagkatapos kong magbihis ay pumunta ako sa kuwarto ni Mama. Narinig ko siyang umuubo.
"Ma? Ayos lang po ba kayo?"
Lumingon siya sa akin na namumula ang mata at ilong. Nakahawak siya sa kaniyang dibdib. Kaagad akong lumapit sa kaniya at saka tiningnan siya. Hawak niya ang kaniyang nebulizer.
"Mama, ano pong nararamdaman niyo? Magsabi po kayo sa akin," nag-aalalang sabi ko sa kaniya sabay haplos sa likuran niya.
Makailang ulit siyang umubo bago nagsalita. "Ano ka ba anak? Huwag ka masyadong mag-isip ng kung ano riyan. Nasamid lang ako kaya naubo ako at naiyak. Iyon lang. Ayos lang ako."
Tumaas ang kilay ko. "Talaga po ba Mama? Baka mamaya may masakit na pala sa inyo pero ayaw niyo lang sabihin. Ma, huwag kayong mahiyang magsabi sa akin dahil may pera ako pambili ng gamot niyo o kahit pang-ospital dahil nagtatrabaho ako kila Mr. Ford. Kaya huwag na kayong mag-alala kung may perang pambili ng gamot ninyo."
Nginitian niya ako sabay haplos sa aking buhok. "Bilib talaga ako sa iyo anak. Napakasuwerte kong magulang dahil nagkaroon ako ng kagaya mong masipag. Salamat dahil ginagawa mo ang lahat para sa amin. Patawarin mo ako kung ganito lang ako, may sakit pa."
Pakiramdam ko ano mang oras ay tutulo na ang luha ko kaya inalis ko ang kamay ni Mama sa ulo ko sabay tayo. Pinilit kong matawa.
"Ano ba naman 'yan Mama! Ang drama mo. Wala po akong pinagsisihan na ganiyan lang kayo, na mahirap lang tayo dahil kahit mahirap tayo ay masaya naman tayo at sama-sama tayo. Aahon tayo Mama. Magtiwala ka lang po sa kakayahan ko."
Mahinang natawa si Mama. "Oo sige na Adora, hindi na ako magda-drama. Nga pala anak, may sandals ka bang gagamitin? Bagay ang sandals diyan sa fitted mong dress. Ang sexy mo anak ko. Kitang-kita ang kurba ng katawan mo."
Pasimple akong ngumiti sabay hawi ng buhok ko. "Maghahanap pa lang po ako Mama."
"Huwag ka nang maghanap. Gamitin mo na ang sandals ko tutal magkasingsukat lang naman tayo ng paa. Tingnan mo riyan sa may lagayan ko ng sapatos." Itinuro niya kung saan nakalagay ang kaniyang sapatos.
Tiningnan ko iyon at nakita ko ang itim niyang sandals. Bagay niya ito sa suot kong itim na fitted dress.
"Kaso Mama may takong ito. Hindi ako sanay magsuot ng takong. Mas sanay ako sa flat."
Inarkuhan ako ng kilay ni Mama sabay halukipkip. "Hay naku! Masanay ka na dahil 'yong iba nga babae nagsusuot pa ng matataas ang takong. Ikaw pa naman ay nagtatrabaho sa isang kilalang pamilya. Paano kung may okasyon sila tapos kasama ka? Hindi naman puwedeng flat shoes lang palagi anak. Maganda rin ang may takong para matangkad kang tingnan. Hindi naman sobrang taas niyan, tama lang 'yan."
Wala na akong nagawa kun'di suotin ang sandals ni Mama. Kasyang-kasya ito sa akin. Lumabas ako ng kuwarto ni Mama na suot ko ito. Muntik pa akong madapa dahil hindi talaga ako sanay magsuot nito.
"Hay naku! Sana lang hindi ako madapa rito."
"Ate, nandiyan na po si Ate Rhian sa labas hinihintay ka," sabi ni Arnold.
"Sige papunta na ako."
Mapanuksong ngumiti si Rhian nang makita ako. Nagtataka akong nakatingin sa kaniya.
"Bakit? Bakit ganiyan ang itsura mo?"
Ngumuso siya. "Wala lang. Kasi naman ang sexy mo sa suot mo tapos naka-sandals ka pa na may takong. 'Di ba hindi ka mahilig diyan?"
Kumamot ako ng ulo. "Oo nga kaso sabi ni Mama mas bagay daw ito sa suot ko. At saka kailangan ko raw masanay na suotin ito lalo pa't sa kilalang pamilya ako nagtatrabaho."
"Tama naman ang mother mo. Ganoon talaga."
Sabay kaming napalingon ni Rhian dahil may biglang bumusinang sasakyan. Ibinaba nito ang bintana ng kaniyang sasakyan at sumilay ang guwapong mukha ni Val.
"Sumakay na kayo."
Tiningnan ako ni Rhian sabay irap. At pagkatapos ay nagmamadali siyang sumasakay sa sasakyan ni Val. Napailing na lang ako.
"Ano Adora? Diyan ka na lang? Iiwan kita," pananakot ni Val.
"Teka lang! Ito na nga susunod na!"
Patakbo akong nagtungo sa sasakyan niya ngunit hindi ko napansin ang batong nasa harapan ko kaya nadapa ako.
"Aray ko po!"