13: Hard

1313 Words
"Tanga ka talaga kahit kailan! Tingnan mo 'yang tuhod mo, may gasgas na tuloy. Ewan ko sa iyo Adora!" bulyaw sa akin ni Rhian. Gusto kong maiyak hindi dahil sa hapdi na nararamdaman ko sa aking tuhod, kun'di dahil sa galit sa akin si Rhian. Nilinis niya ang gasgas ko sa tuhod. Hindi naman ito ganoon kalaki. Namumula tuloy ang tuhod ko. "Ako ang naiinis talaga sa iyo. Kita mong nandito ngayon tayo sa party ng kaibigan ni Val, tapos may gasgas ka pa sa tuhod mo. Sayang ang ganda at ka-sexy-han mo ngayon. Bakit ba kasi hindi mo nakita ang bato sa harapan mo? Nasaan ba ang mata mo? Nasa likod ba ng ulo mo yawa ka!" Hindi na lang ako nagsalita. Niyakap ko na lang si Rhian. Napabuga siya ng hangin. "Nakakainis ka naman kasi Adora. Alam mong ayokong nasusugatan ka kasi gusto ko makinis at maganda ka. Naiingit nga ako sa ganda mong taglay tapos hindi mo pa inaalagaan ang sarili mo." Umangat ako nang tingin. Pinipigilan kong umiyak dahil masisira ang make-up ko sa aking mukha. "Sorry na Rhian. Huwag ka nang magalit sa akin, please." Inirapan niya ako sabay pitik sa aking noo. Napangiwi ako. "Oo sige na. Umayos ka na. Halika't aayusan kita. Medyo nawala na ang make-up mo." Umupo ako sa isang tabi sabay pikit. Pakiramdam ko ay aantukin ako dahil sa magaan ang kamay ni Rhian tuwing inaayusan niya ako. Talagang hindi ko maiwasang maantok. Matapos niya akong ayusan ay pumunta na kami sa puwesto nila Val. Masaya itong nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya. "Saan kayo galing?" tanong niya nang makita kami. "Diyan lang sa labas. Nagpahangin lang kami saglit." Umupo na si Rhian kaya naupo na rin ako sa tabi niya. "By the way Ms. Adora, right?" Baling sa akin ni Roi na siyang may birthday ngayon. Matalik na kaibigan pala siya ni Val. "Oo bakit?" "Ikaw na pala ang nag-aalaga kay Mr. Albert. Ang sabi sa akin ni Val magaling ka raw mag-alaga dahil parang mabilis ang recovery ng Dad niya. Nice Adora. Pagpatuloy mo iyan." Nakangiting sabi nito. "Thank you." "Masipag 'yang si Adora, wala naman akong masabi sa kasipagan niya sadyang may pagkatanga lang," ani Val sabay ngisi. Sinamaan ko siya nang tingin. "Loko ka Val. Siguro nagkamali lang talaga siya. Hindi naman maiiwasan iyon." Napayuko na lang ako. Buwisit na Val Vulvol! Kahit kailan ang hilig akong pahiyain! Hindi talaga siya naaawa sa akin! "Okay, whatever." Nagsimula na silang mag-inuman ulit. Hindi ako nakipag-inuman dahil baka mamaya kung ano na naman ang gawin ko kaya naisipan kong kumain na lang sa tabi. Pinagmasdan ko ang tao rito. Naloloka ako sa mga suotan ng mga babaeng nandito. Halos ut*ng na lang ang natatakpan. Ang ikli rin ng mga suot nitong dress. "Anong ginagawa mo riyan? Para ka namang others!" Hinila ako ni Rhian patungo sa puwesto nila. "Hoy ano ba? Ayos lang ako rito. Hindi naman ako puwedeng makisali sa inyo. Ayokong uminom dahil baka mamaya magkalat na naman ako ng suka." Nagpupumiglas ako sa paghawak sa akin ni Rhian ngunit hindi niya ako binitawan. Pinanlakihan niya ako ng mata. "Tumigil ka nga Adora. Syempre pakisama kasi nandito tayo. Nakahihiya naman kung hindi ka makiki-join sa amin ngayong nandito tayo at birthday ito ni Roi. Nakahihiya naman sa kaniya kung nandiyan ka lang mag-isa. Huwag kang mag-alala dahil nandito naman ako. Kung sakaling sumuka ka, ako na ang bahala basta huwag ka roon. Para kang tanga nag-iisa." Wala na akong nagawa pa kun'di ang sumama kay Rhian. Alanganin akong napangiti. "Saan ka galing? Bigla kang nawala?" tanong ni Roi sa akin. "Doon lang sa tabi. Kumain lang ako saglit," sagot ko sabay kamot ng ulo. Napatingin ako kay Val na ngayon ay nakatingin sa akin. Kaagad din siyang nag-iwas ito nang tingin sabay lagok ng alak. "Oh para sa iyo Adora. Cheers." Inabot sa akin ni Roi ang goblet na may lamang alak. Peke akong ngumiti sabay kuha ng inabot niya. Napatingin muna ako rito bago ko ito nilagok. "Happy Birthday to me! Cheers tayo!" Masayang sabi ni Roi. Nagkatinginan kami ni Rhian na ngayon ay pulang-pula na ang mukha dahil sa alak. Marami na siyang nainom. "Inom pa Adora! Huwag kang pabebe riyan!" Sinalinan ni Rhian ang baso ko. Gusto kong tumakas pero hindi ko magawa. Natatakot na ako mamaya sa mangyayari sa akin. Nagsisi tuloy ako bigla dahil sumama pa ako rito. Dapat pala nasa bahay na lang ako mag-isa. "Inom pa Adora! Ano? Hindi ka iinom?" Nakangising tanong ni Val. Dumako ang mata ko sa kaniyang dibdib. Namumula na ito. Pati ang mukha ni Val ay namumula na rin. Mapungay na rin ang kaniyang mga mata dahil masyado na siyang maraming nainom. Ilang case na rin ng alak ang walang laman dito sa aming puwesto. Sobrang lakas nilang uminom. Pati itong si Rhian ay nakikipagsabayan din sa kanila. Isang bote pa lang ang nauubos ko pero parang matutumba na ako. Gusto ko nang matulog. "Ayoko na Val. Tama na nahihilo na ako." Hinawakan ko ang aking sintido sabay pikit. "Hindi! Uminom ka pa. Ang arte mo namang babae ka!" Kinuha niya ang baso ko sabay salin ng alak. "Inumin mo 'yan! Huwag kang mag-inarte sa akin ngayon dahil ako mismo magpapainom sa iyo!" "Buwisit ka talagang Vulvolin ka!" sigaw ko sa kaniya sabay inom ng alak. Narinig ko pa siyang humalakhak. Nagpatuloy pa ang kasiyahan. Hilong-hilo na talaga ako. Tiningnan ko si Rhian na tulog na sa tabi ko. Gulo-gulo na rin ang buhok niya. Si Val ay nakatungo na sa mesa. Tumingin ako sa paligid. Mga nakatungo na rin ang bisita ni Roi. Ang iba ay nakahiga na sa sahig. Puro mga bagsak na ang mga tao rito. Maraming bote ng alak ang nagkalat sa sahig. "Sa tingin ko hindi na kayo makauuwi pa. Madaling araw na rin. Umidli pa na lang sa kuwarto. Maraming kuwarto rito. Halika na Adora." "Ha? Ay hindi sige dito na lang ako." Ngumiti siya. "Huwag kang mag-alala dahil ikaw lang ang matutulog sa kuwarto na iyon. Kaysa naman dito ka, puro mga kaibigan kong lalaki ang nandito. Baka kung ano pa ang mangyari sa iyo malagot pa ako. Maraming bakanteng kuwarto rito sa bahay dahil may mga kaibigan akong nag-i-sleep over dito sa bahay." Sumunod na lang ako kay Roi. Pagewang-gewang akong naglalakad. Binuksan niya ang kuwarto rito sa ibaba. Namangha ako sa ganda ng kuwarto. "Dito na ka magpalipas ng gabi. Isara mo na lang. Hayaan mo na iyong kaibigan mong si Rhian dahil bakla naman iyon. Sleep well." Tumango na lang ako at saka ngumiti. Isinara ko ang pinto at pagkatapos ay pabagsak akong nahiga sa kama. "Hays ang sakit ng ulo ko!" Pinisil-pisil ko ang sintido ko. Lagot ako nito kay Mama kapag nalaman niyang marami na naman akong nainom. Pasaway kasi itong si Val! Pinainom pa ako ng sobra. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa pader. Alas tres na pala ng madaling araw. Ipinikit ko na ang mata ko dahil hindi ko na kaya ang antok. Hindi pa ako tuluyang natutulog nang may dumagan sa akin. Pagkatingin ko si Val pala. Nanlaki ang mata ko. "Hoy ano ba! Bakit ka nandito? Umalis ka rito!" Tinulak ko siya ngunit nanghihina ako. Masyado siyang mabigat. Nakasubsob ang ulo niya sa leeg ko. "Ano ba Val? Bakit ka ba nandito? Ako lang ang dapat nandito kaya doon ka sa kuwarto mo! Maghanap ka ng magiging kuwarto mo huwag ka rito!" "Ano ba? Manahimik ka ang ingay ng bunganga mo," sagot niya pero hindi pa rin siya bumabangon. Punyeta! Bakit ba nandito ang lalaking ito? "Umalis ka na Val please." Pilit ko pa rin siyang tinutulak pero wala akong lakas. Mayamaya pa ay may kung ano akong naramdaman sa aking hita. Tila may matigas na kung ano ang nanunusok sa aking hita. Punyeta! Mukhang matigas na ibon iyon ni Val!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD