Natapos ang outing namin nang hindi man lang ako masyadong nag-enjoy. Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan habang si Val at seryosong nagmamaneho. Sa totoo lang, parang hindi maayos ang sitwasyon ko. Alam at ramdam ko naman kasi na talagang hindi pa nakalilimutan ni Val ang Xyraulo na 'yon. Pero syempre ako na ang asawa kaya naman hindi ako puwedeng pumayag na maagaw sa akin si Val. Ako ang pinakasalan kaya kahit anong gawin ng Xyraulo na 'yon, wala siyang mapapala. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maayos ang pamilyang bubuuin ko. Hindi ako papayag na lumaki ang anak ko na ganito ang sitwasyon namin. Sa tingin ko na naman magagawa kong mahalin ako ni Val ng buong puso. Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso kaagad ako sa kuwarto ko. Gusto ko munang matulog mag-isa. Nang hindi siy

