45: Slippers

1139 Words

Natapos na lang ang lahat ng water activity pero hindi na ako naging masaya. Habang abala sila sa paglagoy sa tubig, ako naman ay nasa bangka lang. Nakatingin sa kawalan. Nawalan ako ng ganang magsaya. Iba talaga ang dalang salot ng impaktang Xyra na 'yon. Imbes na magsaya ako rito ay lalo lang akong nalungkot. Kanina ko pa gustong umuwi. Ewan ko ba pero parang ang bagal ng oras. "Love..." tawag sa akin ni Val pero hindi ko siya nililingon. Naramdaman ko na lang na sumampa na siya sa bangka. Puwesto siya sa harapan ko. Nag-iwas ako nang tingin. Tumikhim siya sabay hawak sa siko ko. "Anong problema? Bakit bigla ka na lang nagkaganiyan? May nagawa ba akong mali? Sabihin mo? Anong nagawa ko para bigla ka na lang mawala sa mood?" Tiningnan ko siya pero walang emosyon ang pagmumukha ko. Bas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD