Dahil sa sinabi sa akin Xyra, hindi ako makatulog buong gabi. Tumingin ako sa cellphone ko, alas tres na ng madaling araw. Tulog na tulog si Val sa tabi ko. Maingay pa sa labas. Nagkakantahan at nagkukuwentuhan ang mga taong kasama namin dito sa isla. Kanina ko pa gustong matulog pero hindi talaga ako dinadalaw ng antok. Napatitig ako kay Val. Hindi ko maiwasang mag-isip. Alam kong bawal sa akin ang mag-isip ng kung ano-ano pero hindi ko lang talaga maiwasan. Para kasing ang sinabi ni Xyra ay totoo. Paano nga kung ginamit lang ako ni Val para ipamukha kay Xyra na nakalimutan na niya ito? Paano kung pumayag lang si Val na pakasalan ako upang hindi mawala sa kaniya ang yaman niya? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Para akong mababaliw kaiisip. Ang dalawang rason na 'yan ang nagbibigay sa aki

