Nanginginig ang buo kong katawan habang hinihintay ko si Val na dumating. Kanina pa ako nangangatog nang hindi ko malaman kung ano ang dahilan. Siguro dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang buntis ako at siya ang ama. "Kalma ka lang, Adora. Huwag kang masyadong kabahan. Magiging ayos din ang lahat. Pakalmahin mo lang ang sarili mo." Hinawakan ako sa balikat ni Rhian. Sa mga oras na ito, gusto kong maiyak. "Talaga, Rhian? Sa tingin mo ba, magiging maayos ang lahat?" Marahan siyang tumango. "Oo naman syempre, alam kong magiging maayos ang lahat." Mahigpit akong niyakap ni Rhian. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Nawala ng bahagya ang pangangatog ng aking katawan. Mabuti na lang talaga at mayroong akong kaibigan na kagaya niya. Tunay na kaib

