"Mama..." tawag ko kay Mama habang umiiyak. Napaiyak na rin siya. Hinawakan niya ako sa mukha. "Huwag mong sabinin na..." Mas lalo akong napaiyak. Kumuha si Mama ng panyo at pinusan ang mga luha ko. Hiyang-hiya ako sa kaniya. Yumuko ako dahil hindi ko siya magawang tingnan. "Sinong ama niyan?" "Si... s-si V-val po," wika ko nang hindi man lang tumitingin sa kaniya. "Alam na ba niya ito?" Marahan akong tumango. "Anong sabi niya? Anong gagawin niyong dalawa? Kailangang mapanagutan ka niya. Anong sabi niya sa iyo?" Nag-angat ako nang tingin. "Ibibigay niya raw ang lahat ng kailangan ko. Siguro sa kanila muna ako titira. Hindi siya talaga naniniwala na siya ang ama nitong batang dinadala ko. Ang sabi niya sa akin, kapag daw lumabas na ito ay ipapa-DNA test namin." Sumalubong ang kilay

