Unang araw ko rito sa bahay nila Val ay hindi kaagad ako nakatulog kagabi. Iniisip ko kasi si Mama kung maayos lang ba ang kalagayan nila. Pinakainaalala ko si Mama dahil baka mamaya atakihin siya ng hika. Wala pa naman ako roon kaya natatakot ako sa puwedeng mangyari. "Ayos ka lang ba, Adora? Bakit parang malalim ang iniisip mo?" sabi ni Mr. Albert na kararating lang. Huminga ako nang malalim. Naamoy ko ang mabangong amoy na nagmumula sa nilulutong ulam ngayong tanghalian. Tiningnan ko si Mr. Albert at saka tipid na ngumiti. "Wala po, Sir. Naisip ko lang si Mama ko. Inaalala ko kasi na baka mamaya ay umatake ang hika niya. Wala pa naman ako roon." Hinawakan niya ako sa balikat. "Huwag kang masyadong mag-isip ng kung ano, Adora. Buntis ka. Makasasama sa iyo ang masyadong pag-iisip. Huw

