"Bakit ang kaunti mo kumain, Adora?" sabi ni Mr. Albert sa akin sabay turo sa plato ko. "Hindi ko rin po alam," alanganin akong ngumiti. "ganiyan lang po ang kaya kong ubusin. Kapag dinagdagan ko pa po 'yan, hindi ko na makakain pa. Sayang ang pagkain." "Ganoon ba? Baka kapag lumaki-laki na 'yan, lalakas ka na kumain. Sige kumain ka na. Pagkatapos ay magpahinga ka na za kuwarto mo. Huwag kang kikilos dito. Kailangan healthy ang apo ko. Alagaan mong maigi ang sarili mo." Marahan akong tumango. "Opo, D-daddy." Sinulyapan ko si Val sa harapan ko na katabi ni Mr. Albert. Para siyang naaasar na ngumisi sa akin sabay iling. Hindi ko na lang siya pinansin pa. Kahit sobrang iritang-irita ako sa kaniya ay wala akong magagawa dahil kailangan kong pakisamahan siya ngayon para sa anak namin. Para

