"May rekado diyan sa refrigerator para sa nilagang baka. Iyon ang gusto kong iluto mo sa akin." Tila boss na utos sa akin ni Val. "Sige...paglulutuan kita," wika ko sabay lakad patungo sa kusina. "Teka lang, Sir Val, bakit si Adora ang magluluto? Dapat ako na dahil sabi ng Dad mo ay huwag ko siyang pakikilusin. Kailangan ay nagpapahinga lang siya palagi," sabi ni Aling Lora sabay lapit sa akin. Alanganin akong ngumiti. "A-ayos lang po, Aling Nora. Gusto ko kasing ako na ang magluto para kay Val dahil gusto kong maging mabuting asawa sa kaniya at saka hindi rin po kasi ako sanay na pahiga-higa lang parati kaya sana hayaan niyo ako sa tuwing magpapaluto si Val. Ako na po ang bahala sa mga lutuin. Mas maganda po kasi na ako na lang para magkaroon kami ng bonding na rin at malapit sa isa't

