Naalimpungatan ako nang mapansin kong gumagalaw sa tabi ko si Val. Nakita ko siyang nakatulala habang malikot ang mga kamay. Parang hindi siya mapakali. Ilang saglit pa ay bumangon na siya at saka nagtungo sa banyo. Pasimple kong iminulat ang mga mata ko. Nakita ko siyang nakatingin sa salamin. Kumuha siya ng kaniyang masusuot. "Love, saan ka pupunta?" Parang nagulat siya sa akin. "H-ha? S-sa kompanya lang. M-may aasikasuhin lang ako." Nangunot ang noo ko. Tuwing linggo kasi ay hindi naman nagpupunta ng kompanya nila si Val. Madalas lang siyang natutulog maghapon. Kaya naman napaisip ako kung sino ang pupuntahan niya. "Bakit? Anong mayroon? Linggo ngayon ah." Alanganin siyang ngumiti. "Oo pero may kailangan kasi akong asikasuhin. Importanteng bagay." Napatango na lang. Pinagmasdan k

