Kunot ang noo ko nang magising ako, namulatan ko pang nasa loob na ako ng kwarto namin ni Gabby. Saka ko natanto na ako rin pala ang nagdala sa sarili ko rito, katulad ng ipinaalam ko kanina ay totoong nagpahinga ako na hindi ko na napansing nakatulog na pala ako. Sandali kong sinipat ng tingin ang apat na sulok ng kwarto, walang tao roon maliban sa akin. Napansin ko pa ang oras sa ganap na alas singko ng hapon, hindi ko namalayang ganoon ako katagal na nakatulog. Wala man din sa sarili ay dahan-dahan akong umahon mula sa pagkakahiga ko, tangka pang bababa ako sa kama nang biglang bumukas ang pinto sa kwarto dahilan para mapatigil ako sa gilid ng kama. Bumungad sa akin ang presensya ni Gabby kung saan kitang-kita ang pagkaseryoso ng kaniyang mukha. Hindi tuloy maiwasan na magsalubong la

