Kinabukasan nang magising ako, kung hindi ko madadatnang tulog si Gabriel sa tabi ko o 'di kaya ay gising kung saan ay pinapanood niya ang pagtulog ko ay wala na ito sa loob ng cabin. Hindi naman na ako nag-alala kung saan siya ngayon, lalo at nasa gitna kami ng karagatan. Wala siyang ibang papupuntahan kung kaya ay hindi niya rin ako maiiwan, unless na lang kung may sumundo sa kaniya na isa pang yate. Ngunit alam ko rin naman na hinding-hindi ako iiwan ni Gabriel, kung patay na patay ako sa kaniya— ganoon din ito. Kung hindi ko kaya na mawala sa buhay ko ay mas ayaw niyang mawala ako. Sumatotal ay pareho naming mahal na mahal ang isa't-isa, pareho kami nang nararamdaman at iisa lang ang itinitibok ng puso naming dalawa. Kaya panatag din ako na hindi ako magagawang iwan ni Gabriel, na a

