"Ito na po, baby master," ani Gabriel mula sa likuran ko, rason para malingunan ko ito. Sa kadahilanang nakababad na sa ilalim ng tubig ang katawan ko kung kaya ay tiningala ko ito mula sa itaas ng yate. Nauna na akong nagtampisaw at naligo sa karagatan sa sobrang tagal dumating ni Brandon kanina para bumili ng saba. Wala pa akong kain, pero hindi rin naman ako nagugutom, feeling ko rin kasi na ano mang kain ko ay baka isuka ko lang iyon. Mayamaya pa nang ilapag ni Gabriel ang isang mangkok na may laman saba sa luto na ni-request ko. Halos matawa pa ako nang makitang lahat yata ng binili ni Brandon ay inilaga nito, kalaunan nang tikman ko iyon at kamuntikan nang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko nang malasahan ang sobrang alat. "Ang alat!" palatak ko at maagap na inilayo ang mang

