Chapter 81: Jacky

3578 Words

Kinaumagahan nang maalimpungatan ako nang tila may hinuhukay sa lalamunan ko. Kaagad akong nagdilat ngunit napapikit din nang manuot sa ulo ko ang tindi ng kirot, wala pa sa sarili nang mahawakan ko ang noo ko at bahagya iyong hinilot. Mapamura ako sa isipan ko habang nangingiwi sa nararamdamang sakit. Segundo ang itinagal nang maalala ko na ganito rin iyong nangyari sa akin dati— nangtari na ito sa akin noon. Iyon 'yung mga panahon na nasa Isla Mercedes ako. Kung saan ay rason ang pagkakaroon ng amnesia ko, pero nakapagtataka kung bakit ko ito nararamdaman ngayon. Hindi normal iyong kirot sa headache na madalas maramdaman ng isang tao, doble ang sakit at para bang hinahati sa dalawa ang ulo ko. Damang-dama ko iyong tila pagbarena sa loob nito, masakit at hindi nakakapanghina. Makailang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD