Chapter 67: Jacky

3422 Words

Saan kaya pwedeng pumasyal? Pakiramdam ko kasi ay mababaliw na ako rito sa loob ng unit ni Gabriel— and speaking of which, hindi siya pumasok sa hospital o kahit sa Malba Group. Nandito lang din siya sa unit na para bang gusto akong damayan rito. Mas maganda rin sigurong sabihin na binabantayan niya ako, tipong ayaw ako nitong mawala sa paningin niya. Dito na nga niya napiling magtrabaho, mayroon siyang maliit na opisina mula rito sa sala. Tanaw ko pa ang nakabukas na pinto roon maging ang table nito sa loob. Napabuntong hininga ako, hindi ko na alam kung anong klase pang higa ang gagawin ko dahil literal na nabuburyo ako. Nakahalukipkip lang din ako habang nakatingala sa puting kisame ng unit at nagbibilang ng puting tupa. Nang hindi makatiis ay madali akong bumangon sa pagkakahiga ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD