SINGKWENTA Y UNO AURORA MARASIGAN “CONGRATS, YOU ARE PREGNANT.” Iyon ang bumungad sa akin ng magising ako. Kinurot ko pa ang sarili ko ng magising ako dahil baka binabangungot lang ako. Napangiwi na lang ako sa sakit ng kurot ko ibig sabihin hindi ako nananaginip at lahat ng ito ay totoo. Hindi ko alam kung ilang minuto bago ko naprocess ang sinabi ng doctor sa akin. I am pregnant. Seryoso talaga, buntis ako? “Doc, am I hearing you right?” paninigurado ko pa. “Ya, can you pinch me?” baling ko kay Yaya Tessa na mukhang natulala din. “Carina, let’s talk inside about the vitamins she needs to take,” the doctor said before going out with Tita Carina. Saglit pa kaming nagkatinginan ni Yaya bago niya ako nilapitan at umiyak habang nakayakap sa akin. Hindi ko alam kung bakit umiiy

