SINGKUWENTA AURORA MARASIGAN NILAPAG KO ang bulaklak na dala ko sa tapat ng nitso ni Mommy bago sinindihan ang kandila na dala ko. Ilang buwan na rin mula ng huli akong dumalaw sa kanya. Kung hindi pa ako sapilitang iuuwi ni Dad ay baka hindi ko pa ulit madadalaw si Mommy. Gusto kong ibalita at ikwento sa kanya ang mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang buwan. Kung gaano ako karupok pagdating sa pagmamahal ko kay Gio at kung gaano ko kabilis makalimutan ang mga bagay na nangyari dahil mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya kesa sa galit. “Hi, Mom! You are not making sumpa me pa naman ano?” “Aurora, ayusin mo ang pagsasalita mo, baka biglang bumangon ang Mommy mo. Bumalik ka lang dito umarte ka na naman,” sabat na naman ni Yaya na pinupunasan ang mga alikabok ng museleo ni M

