KWARENTA Y NUWEBE AURORA MARASIGAN SA ILANG ARAW kung pananatili sa loob ng silid ko ay walang araw na hindi ko naririnig na sumisigaw si Dad at umiiyak si Tita Carina. Iyon ang araw-araw na naririnig ko dahil sa walang tigil na galit ni Dad kay Tita Carina. Sa bawat pagtangis nito ay tahimik din akong nakiki-iyak sa bawat sakit na nararanasan niya sa kamay ng ama ko. Gusto ko man siyang tulungan ay wala akong magawa kung hindi ang maki-iyak na lang sa kanya. Bukas ay tatakas ako gaya ng napag-usapan namin ni Yaya Tessa. Alam niya na ang nangyari sa aming dalawa ng anak niya na at sobrang iyak niya habang walang tigil na humihingi ng tawad sa akin. Kahit naman may pagkakaintindihan ng anak niya ay hindi naman siya kasama doon. “Aurora… Meron akong dala na meryenda mo. O may iba ka p

