SITENTA Y KWATRO EUGENIO DIMALUPIG “MERRY CHRISTMAS!” sigawan ng mga tao sa paligid ko kasabay ng sunod-sunod na mga putukan sa langit. Ang madilim na kinatatayuan ko ay bahagyang nagliwanag dahil sa mga fireworks na nagkalat sa langit. At mas lalo din lumiwag ang view ng babaeng pinagmamasdan ko mula dito sa malayo. She’s smiling from ear to ear as she is singing and tossing her wine glass in the air. She’s enjoying it and the people around really adore her. It makes me wonder if I once passed through her mind. The way she smiles and dances with her friends makes me realize that she is happy, genuinely happy. Sa mga ngiting ‘yun ay bigla na naman akong naduwag dahil baka kapag nilapitan ko siya ay muli na namang mawala ‘yun. Natatakot akong kapag nagbalik ako sa buhay niya ay mu

