Chapter Fifty- Six JOB I WAS SHOCKED! I am totally shocked! Hindi ko aakalaing nagkakaganun siya because gusto niya si Philip. Hindi ko naman alam na may nararamdaman siya para sa boyfriend ko. Kung sinabi lang niya sana noon eh di sana hindi nabuo ang nararamdaman ko kay Philip. Pero ngayon sobrang mahal ko na si Philip at hindi ko na kaya pang hiwalayan siya. We made promises na alam kong kaya naming tuparin. "Ngayong nalaman mo na ang lahat, hihiwalayan mo ba si Philip? Diba hindi naman? Hindi mo naman kaya diba? Kaya mas okay sana na hindi ko na lang sinabi sa 'yo! Wala namang magbabago diba? So hayaan mo na lang ako Job. Wala na akong pakialam kung itakwil mo ako bilang bestfriend mo," "Haze pag-usapan naman natin 'to. Hindi yung ganito," sagot ko saka ko tinangkang hawakan an

