Chapter Fifty- Five A YEAR AFTER . . . JOB EVERYDAY he makes me happy. He makes me feel na ako lang ang mahal niya. He makes me feel safe everytime. Hindi niya rin nakakaligtaan na pakiligin ako kahit sa mga simple acts lang niya. I know I love him so much and I thank God for giving me the man that I know I can be with forever. "MAGANDANG tanghali po sa ating lahat," bati ni Philip na ikinagulat ko. Katatapos lang ng aming service at wala namang nakatalaga sa kanya na kailangan niyang ianunsiyo sa lahat ng tao doon. Tinitigan ko siya sa kanyang mata upang tanungin kung ano ang kanyang sasabihin ngunit nginitian lang niya ako. "Unang-una, gusto ko pong magpasalamat sa Panginoon sa pagtanggap niya sa akin upang siya ay paglingkuran. Gusto ko lang din pong magpasalamat sa inyo sa mahi

