Chapter Fifty- One PHILIP INAAMIN kong nasisiyahan ako sa pagkakaayos namin ni Job. Walang paglagyan ang labis kong tuwa. Nakakausap ko na siya, nahahawakan ang kanyang mga kamay at nakikita ang kanyang mga ngiti sa malapitan. Masasabi kong mahal ko na siya. Mahal na mahal. Kahit pa halos tatlong buwan pa lang kaming magkakilala. Nagiging komportable na rin ako sa kanya dahil naikukwento ko na ang lahat-lahat tungkol sa aking buhay. "A-ayos lang ba itong suot ko?" nahihiya kong tanong. "Oo naman. Ang gwapo-gwapo mo kaya," nakangiting wika niya. "Saan ba kasi tayo pupunta at kailangn kong magbihis ng ganito? Mamasyal ba tayo?" takang tanong ko dahil hindi pa niya sinasabi sa akin kung saan kami pupunta. Kagabi ko pa siya kinukulit pero puro secret ang kanyang sinasabi. "Secret nga

